Ipinasa ng Kamara ang panukalang batas na mahigpit na nagbabawal sa mga ospital na humingi ng deposito bago tanggapin at gamutin ang isang pasyente.
Layunin ng HB 5159, inakda ni Rep. Tom Villarin (Akbayan), na amyendahan ang Republic Act 702 (An Act Prohibiting the Demand of Deposits or Advance Payments for the Confinement or Treatment of Patients in Hospitals and Medical Clinics in Certain Cases).
Sinabi ni Villarin na sa kabila ng “no balance billing” policy ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mahihirap na pasyente, may mga ulat na tinatanggihan ng ilang pribadong pagamutan ang mga pasyente na hindi makapagbigay ng hospital deposit. (Bert De Guzman)