Pinigil ng Court of Appeals (CA) ang nakatakdang deposition o pagkuha ng out-of-court testimony kay Mary Jane Veloso, ang Pinay na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia dahil sa drug trafficking.

Ito ay makaraang magpalabas ang CA Eleventh Division ng temporary restraining order (TRO) na pumipigil sa nakatakdang deposition kay Veloso sa Abril 27, 2017.

Sa tatlong-pahirang resolusyon na pinonente ni Associate Justice Ramon Bato, tatagal ang TRO ng 60 araw.

Ipinalabas ng CA ang kautusan makaraang dumulog ang kampo ng mga akusadong sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao sa appellate court dahil kapag natuloy umano ang deposition ay malalabag ang karapatan ng dalawa na makaharap ang nag-aakusa sa kanila na ginagarantiyahan ng 1987 Constitution.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Iginiit pa ng mga akusado na pinapayagan lang ang deposition through written interrogatories sa ilalim ng Rules of Court sa mga kasong sibil at hindi sa mga criminal case.

Kasabay nito, pinagbigyan din ng CA ang hirit ng Office of the Solicitor General na bigyan sila ng dagdag na panahon para makapagsumite ng komento sa petisyon ng mga akusado.