WASHINGTON (Reuters) – Nakumpleto na ng China ang malalaking konstruksiyon ng military infrastructure sa mga artipisyal na isla na itinayo nito sa South China Sea at maaari na ngayong maglagay ng mga eroplanong pandigma at iba pang military hardware roon anumang oras, inihayag ng isang US think tank nitong Lunes.

Sinabi ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), bahagi ng Center for Strategic and International Studies ng Washington, na nagtayo ang China ng naval, air, radar at defensive facilities sa Fiery Cross, Subi at Mischief Reefs sa Spratly Islands.

Binanggit ng think tank ang mga imahe sa satellite na kuha ngayong buwan, na ayon kay Director Greg Poling ay nagpapakita ng mga bagong radar antenna sa Fiery Cross at Subi.

“So look for deployments in the near future,” aniya.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM