PINATIBAY ng Ateneo de Manila at ng defending champion University of the Philippines kapit nila sa 1-2 spots ayon sa pagkakasunod makaraang padapain ang kani-kanilang mga nakatunggali noong weekend sa UAAP Season 79 men’s football tournament.

Iginupo ng Blue Eagles, 1-0 ang University of Santo Tomas, matapos ang own goal ni Marvin Bricenio sa 82nd minute sa Rizal Memorial Football Stadium.

Napanatili naman ng Fighting Maroons ang kanilang unbeaten record sa second round matapos talunin ang Adamson, 3-1 sa FEU-Diliman pitch .

Naka-goal para sa Maroons sina Raphael Resuma (35th), Christian Lapas (43rd) at, Javi Bonoan (49th) habang naitala naman ni Marc De Guzman ang nag-iisang goal no Falcons bago mag halftime.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa panalo,mayroon na ngayong natipong kabuuang 26-puntos ang Ateneo, dalawang puntos ang agwat sa pumapangalawang UP.

Sa iba pang laban, ipinasok ni Patrick Valenzuela ang isang late first-half goal para giyahan ang National University sa pag-ungos sa University of the East, 1-0, at umangat sa solong ika-4 na puwesto sa natipon nitong 16-puntos.

Nagtapos naman ang naging mainit name tapatan ng De La Salle at Far Eastern University sa 1-1 draw.

Bunga nito, nanatiling pangatlo ang Tamaraws na may 19 puntos habang pang-6 naman ang Green Booters na may 12 puntos.

(Marivic Awitan)