IPINAHAYAG ng PBA ang listahan ng mga manlalarong kalahok sa darating na 2017 PBA All-Star.

Magkakasubukan ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas pool at ang mga PBA superstars sa kanilang paghaharap sa tatlong araw na event na gaganapin sa Cagayan de Oro, Lucena, at sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Pangungunahan ang Mindanao All-Stars ng mga rookies na sina Mac Belo at Jio Jalalon, kasama ng sophomore na si Scottie Thompson. Makakasama nila sa team sina Mark Barroca, RR Garcia, Carlo Lastimosa, Baser Amer, Glenn Khobuntin, at ang mga beteranong sina Peter June Simon, Cyrus Baguio, Rafi Reavis,Troy Rosario at Sonny Thoss.

Bagamat hindi tubong Mindanao, pinayagan ng PBA at Gilas coach Chot Reyes na palaruin ang Cebuano at tubong Cagayan Valley na si Rosario dahil sa kakulangan ng Mindanao team ng big men.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napili naman upang gumabay sa team si Star coach Chito Victolero.

Makakatunggali naman nila sa labang idaraos sa Xavier University gym sa Abril 26 ang Gilas team na pamumunuan nina June Mar Fajardo at Terrence Romeo,kasama sina LA Revilla, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Matthew Wright, Kevin Ferrer, Carl Bryan Cruz, Fonzo Gotladera, Bradwyn Guinto, at Norbert Torres.

Pagdating naman sa Lucena,gagabayan ang Luzon All-Stars ni two-time PBA Coach of the Year at Sariaya native Leo Austria ng San Miguel Beer..

Mangunguna ang mga Kapampangan stalwarts na sina Calvin Abueva, Jayson Castro, Japeth Aguilar, at Arwind Santos kasama sina Marc Pingris, Paul Lee, Mark Caguioa, Alex Cabagnot, LA Tenorio, Marcio Lassiter, Ranidel de Ocampo, at Stanley Pringle.

Makakatapat naman nila ang Gilas squads na pamumunuan ng mga bagong dagdag na sina Allein Maliksi at Raymond Almazan sa labang idaraos sa Quezon Convention Center sa Abril 28,.

Kabilang din sa national team sina Tolomia, Wright, Ferrer, Cruz, Guinto, Almond Vosotros, Ed Daquioag, Jonathan Grey, Norbert Torres, at Arnold Van Opstal.

Para sa ikatlo at huling araw ng All-Star, and Grand Slam-winning coach na si Tim Cone naman ng Ginebra ang mauupo sa bench ng Visayas All-Stars.

Kasama sa koponang gagabayan nya sina Fajardo, Romeo, at two-time PBA Most Valuable Player James Yap,kasama sina Joe Devance, Jeff Chan, Chris Ross, Chris Ellis, Aldrech Ramos, Dondon Hontiveros, Ronald Tubid, Jericho Cruz, at Asi Taulava, na sasalang sa kanyang ika-15 All-Star appearance.

Tatapatan naman sila ng Gilas squad na pamumunuan nina Castro, Abueva, at Aguilar sa larong idaraos sa Abril 30, sa Hoops Dome, kasama sina Belo, Rosario, Jalalon, Almazan, Pogoy, Maliksi, Revilla, at Von Pessumal. (Marivic Awitan)