270317_NPALightningRally_Cruz-27 copy

Nakasuot ng berdeng camisa de chino, Mao cap at nagtakip ng pulang panyo sa mukha ang halos 200 miyembro ng New People’s Army (NPA) nang magmartsa sa Cubao, Edsa, kahapon ng umaga.

Layunin umano ng rally na maipahayag ang kanilang (NPA) saloobin, dalawang araw bago ang kanilang ika-48 anibersaryo.

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

Matatandaang nagkasundo ang government negotiators at mga kinatawan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ipagpatuloy ang peace talks at magdeklara ng unilateral ceasefire bago pa man magsimula ang negosasyon sa Abril, ngunit ito’y nagulo dahil serye ng pag-atake ng NPA sa Mindanao.

Dahil sa nasabing rally, naging mabagal ang daloy ng trapiko sa panulukan ng Edsa at Aurora Blvd., dakong 8:00 ng umaga. (Rommel P. Tabbad)