Mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang 17 miyembro ng Triskelion Fraternity matapos umanong masangkot sa pagsasagawa ng hazing sa Barangay Fernando Parcon Ward sa Pototan, Iloilo, kahapon.

Ayon kay PO3 Mark Parreño, imbestigador ng Pototan Municipal Police, dalawa sa 17 frat member ang nakasuhan na ng paglabag sa Anti-Hazing Law.

Nagtamo naman ng mga sugat sa likurang bahagi ng binti ang mga kasapi ng grupo na sina Jonie De Guzman, 18; Rizaldy Pagulong, 22; Eduardo Abido Jr., 26; Edimar Precia, 18; at Kyle Lester Papellero, 22, na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Kinilala ni PO3 Parreño ang master initiator ng grupo na sina Ian Jasper Jamotillo, 21; at Christian Cordero, 23 anyos. (Fer Taboy)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol