MINSANG napailalim kay dating Far Eastern University Tamaraws coach Nash Racela. Naging bisita ng Ateneo at nakipag-almusal kay La Salle coach Aldin Ayo.

Sa kabila nito, wala sa tatlong malalaking eskwelahan ang nakapagkumbinsi kay Jonas Tibayan.

Ang National University ang napiling paglaruan ng dating National mainstay at star player ng Chiang Kai Shek high school team.

Batay sa ulat na inilabas ng Tiebreaker Times, ang 17-anyos na manlalaro ng dating Philippine Secondary School Basketball Championships Mythical Team member ay nagpasabi na sa NU management.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Bagamat walang kumpirmasyon mula kay Tibayan, kusa ng tumigil ang mga unibersidad na gustong makuha ang serbisyo ng itinuturing na No. 3 rank high school player sa kasalukuyan dahil nakumpirma na nila ang kasunduan ng NU at ni Tibayan.

Maglalaro pa ang 6-foot-3 forward na inihahalintulad ang laro kina Kevin Ferrer at Calvin Abueva sa huling pagkakataon para sa CKSC sa ilalim ni coach Goldwyn Monteverde sa darating na 2017 Palarong Pambansa.

Bukod sa pagiging isa sa mga top high school recruit, kilala rin si Tibayan bilang pinakabatang miyembro ng Men’s National Basketball Team, na nagwagi ng gold medal sa 2016 SEABA Championship at naging bahagi din ng U18 team na sumabak sa 2016 FIBA Asia Championship. - Marivic Awitan