Cake-1

MULING pinasaya ng municipal government ang mga residente at mga turista na dumalo sa grand celebration ng 36th Strawberry Festival sa La Trinidad, ang capital town ng Benguet, na tinaguriang Strawberry Capital at Salad Bowl of the Philippines.

Kinilala rin ang bayan ng Guinness Book of World Record noong 2004 sa paggawa ng Largest Strawberry Shortcake.

Pagkalipas ng 13 taon, muling ginunita ang kasaysayan sa pamamagitan ng pagbuong muli ng largest Strawberry Cake na naging tampok sa grand celebration nitong nakaraang Marso 19.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

“Hindi ito kasing-laki ng nasa Guinness Book, pero malaki din at gusto naming maging masaya ang aming kababayan bilang simbolo ng pagkakaisa at maunlad na pamumuhay sa agrikultura. Siyempre gusto din naming ipakita sa mga turista kung paano ito nabuo at ipatikim sa kanila ang masarap na strawberry cake,” pahayag ni Mayor Romeo Salda.

Ang giant strawberry cake na ginawa ng limang kilalang mga baker shop ay may sukat na 12x18 feet in diameter, tumitimbang ng 2.9 tonelada at ang ingredients ay 275 kilo ng strawberry, 400 itlog, 112,000 grams ng butter, 250 kilo ng asukal at 675 kilo ng arina. Umaabot sa P575,000 ang nagastos sa pagbuo ng cake.

Ayon kay Salda, medyo maselan ang cake na ito kaya kinailangang nasa loob ng air-conditioned room na may tamang temperature magdamag.

“Hindi kasi puwede ang mainit o mainit na temperature, dahil matutunaw ito at hindi din puwede na maraming tao sa loob.”

Para masilayan ito sa loob ng Lednicky Hall ng munisipyo, pasampu-sampu katao ang pinapapasok para sa picture taking. Umabot sa 16,000 slice ang cake na ipinatikim sa mga dumalo sa okasyon.

Noong umaga, sinimulan ang grand celebration ng masaya, makulay at lipos ng katutubong kulturang pagtatanghal ng mga kalahok sa street dancing at kasabay ang environmentally-friendly floats ng mga barangay. Ang mini- floats na gawa sa recycled materials at sumisimbolo sa bawat produkto ng barangay ay “smoke-free” floats, dahil hinihila lamang ito ng tao.

Ayon kay Salda, ginawang environmentally-friendly ang floats para ipakita sa manonood na may halaga pa ang recycled materials at higit sa lahat ay walang sasakyan na may makinang ginamit. (RIZALDY COMANDA)

[gallery ids="233680,233681,233683,233688,233687,233686,233684"]