MAPANDAN, Pangasinan - Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang isang retiradong tauhan ng Philippine Air Force (PAF) na pitong beses na pinagbabaril habang namumutol ng punongkahoy sa gilid ng highway nitong Sabado.

Ayon sa huling report na tinanggap kahapon mula kay Senior Insp. Bernard Antolin, hepe ng Mapandan Police, ginagamot pa sa ospital si Sani Devera, 66, retirado sa PAF, at taga-Barangay Primicias, Mapandan.

Nabatid kay Senior Supt. Antolin na namumutol ng puno ng ipil-ipil sa highway si Devera nang hintuan ng armadong sakay sa motorsiklo at pagbabarilin nitong Sabado ng hapon.

May paniwala ang pulisya na may kinalaman ang pamamaril sa kasong isinampa ni Devera kaugnay ng pagkamatay ng kanyang anak.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Iniulat na hindi pumayag si Devera na magpaareglo sa kasong homicide laban sa dalawang pumatay sa kanyang anak at pansamantalang nakalalaya ang mga suspek makaraang magpiyansa. (Liezle Basa Iñigo)