NAKOPO ni Pinay archer Amaya Paz Cojaungco ang silver medal sa Women’s Compound ng ginaganap nitong weekend sa Asia Cup sa Bangkok, Thailand.

Nabigo ang 13th seed na si Cojuangco sa kanyang finals match kay 6th seed Parisa Baratchi ng Iran, 141-146.

Nauna rito, tinalo ni Cojuangco ang lima pang mga archers upang umabot ng finals na kinabibilangan nina Chan Name ng China, 144-132, Delle Threesyadinha ng Indonesia, 141-139, 4th seed Aung Ngeain ng Myanmar, 140-135 at sina Lee Ting Hsuan at Chen Yi Hsuan ng Taipei sa parehas na iskor na 144-135.

Sa iba pang resulta, nagpakitang gilas din ang 15-anyos na si Nicole Tagle nang muntik nang umabot sa finals ng women’s recurve.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nabigo ang dating Batang Pinoy champion sa kanyang laban kay Thi Dao Loc ng Vietnam, 3-7, na pumigil sa tsansa niyang umabot ng finals, matapos magtala ng apat na panalo, kabilang na ang tatlong upset laban kina 11th seed Natalia Endynieva ng Russia, 6-4. 6th seed Rajendra Shitole ng India, 6-4 at 3rd seed Farida Tukubayita, 6-5. (Marivic Awitan)