TARLAC CITY - Malaki ang posibilidad na mapatawan ng mabigat na kaso ang isang 57-anyos na lalaki kapag napatunayan ang umano’y panghahalay niya kamakailan sa isang babaeng Grade 4 pupil sa Barangay Tibag, Tarlac City.
Napag-alaman kahapon sa imbestigasyon ni PO2 Janeth Galutan na si Gary Galicia, may asawa, ang itinuturong suspek sa pangmomolestiya sa isang sampung taong gulang na bata.
Ayon sa report, pinapasok umano ni Galicia ang bata sa kanyang bahay at doon umano ito minolestiya bago binigyan ng hindi natukoy na halaga. (Leandro Alborote)