BABALIK pala si Aiko Melendez sa pulitika. Matandaan na naging konsehala for nine years sa District 2 ng Quezon City ang magaling na aktres.
Dapat ay tatakbo siyang muli last 2016 elections pero dahil sa mga natanguhang showbiz commitments, kinalimutan muna ni Aiko ang pagiging public servant.
Pero bulong ng isang kaibigan na dating nakasama ni Aiko sa Quezon City council, tiyak daw na tatakbo si Aiko sa susunod na eleksiyon para konsehala uli ng lungsod. Sa distritong hawak ng mga kaibigang taga-showbiz din na sina Anjo Yllana, Roderick Paulate at Precious Hipolito babalik si Aiko.
Bukod kay Anjo first termer pa lang, nasa huling termino na sina Roderick at Precious na malamang ay papalitan ng asawang si Cong. Winnie Castelo na last term na rin bilang congressman ng nasabing distrito.
Pero ayon kay Aiko, kahit nami-miss na niya nang husto ang mga panahong naglilingkod siya sa QC hindi agad siya makakapagdesisyon sa ngayon.
“Sa totoo lang naman, a few days ago, I had a phone call from a colleague in Quezon City council asking me if I want to run again. But for me, it’s too early to tell but it’s also never too late to prepare and it’s never really early to consider,” banggit ng mahusay na aktres na isa sa mga tinututukan ngayon ng televiewers sa Wildflower.
Super busy si Aiko ngayon sa teleserye at may gagawin pa siyang pelikula, pero talagang pag-iisipan daw niyang mabuti ang desisyong may kinalaman sa kanyang political career.
“Well, sabi ko sa kanila, na I will ask for that sign whether or not I’m meant to return to politics. But yes, I miss being a public servant,” sey pa ni Aiko.
Isa si Aiko sa diligent na public servant. Pinaghandaan niyang mabuti ang pagsabak sa larangang ito dahil ayaw niyang basta-basta na lang ginagamit ang pagiging artista niya. (Jimi Escala)