MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa mga mataong lugar, partikular na sa mga terminal ng FX, UV, pedicab, at tricycle, ang magkakasunod na paglusob at pag-okupa ng mga miyembro ng maka-kaliwang grupo sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan sa Pandi, San Jose del Monte, at Bustos sa Bulacan.

Iba-ibang anggulo ang naririnig ko sa pagtatalo’t sagutan ng mga pasahero’t drayber habang naghihintay na mapuno ang kanilang sinasakyan o pinapasada – at ang namamayaning sentimiyento: masyado na raw nasasalaula ang “Rule of Law” sa ating bansa at ang palagi umanong agrabiyado at madalas na natatalo ay ang mga nilang may prinsipyo at sumusunod sa batas.

Wika ng isang pasahero na nanonood ng balita sa portable TV sa loob ng UV na aming sinasakyan: “Ang tagal ko nang nagtatrabaho sa gobyerno pero hanggang ngayon umuupa pa rin ako dahil ‘di pa kaya ng suweldo ko ang kumuha ng pabahay…kakainggit ang mga ito, walang kahirap-hirap, sumama lang sa rally ng isang araw, may lote at bahay na agad.”

Binulatlat naman isang pasahero ang kanyang bitbit na diyaryo at ipinangalandakan sa iba pang pasahero ang kalahating pahinang advertisement ng National Housing Authority (NHA) na may pamagat na ‘NHA goes legal and adherence to the Rule of Law’, sabay tanong sa ibang pasahero: “Kailangan pa ba silang gastusan ng daan libong advertisement na tulad nito, para lang pakiusapan at sabihang mali at ilegal ang kanilang ginagawa, kaya dapat lamang na bakantihin na nila ang mga inokupa nilang bahay?”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang tinutukoy ng pasaherong ito ay ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) na siyang nagpasimuo upang okupahin ng kanilang mga miyembro ang 5,262 pabahay ng pamahalaan sa 7 project site sa Bulacan noong Marso 8, 2017.

Ang naturang proyekto ay nakatakda nang ipamahagi ngayong summer vacation sa mga aktibong pulis, militar, guwardiya at bumbero na nag-apply sa NHA para magkaroon ng sarili nilang tahanan. Sadya raw na itinapat ang pamamahagi nito ngayong bakasyon sa eskuwela, upang hindi ma-displace ang mga bata sa pagpasok nila sa paaralan.

Katwiran ng mga KADAMAY, matagal na raw na nakatiwangwang ang mga pabahay na ito at para mapakinabangan ng mahihirap nilang miyembro, napagdesisyunan nilang okupahin na ang pitong project site sa Bulacan ng NHA. Mapayapa ang kanilang pag-take over at walang... nasaktan.

Nitong nakaraang linggo ay binigyan ng pitong araw na “ultimatum” ang grupong KADAMAY na lisanin na ang inokupa nilang mga pabahay at ito ay magtatapos ngayong Lunes. Ayon sa NHA, may 324 na miyembro ng KADAMAY ang pormal na nag-apply para makakuha ng bahay sa kanila at ang iba sa mga ito ay patuloy pa ring kinakausap at pinapaliwanagan sa legal na pamamaraan upang maiwasang magkasakitan.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)