MAGAAN ang unang laro ng Gilas Pilipinas nang mabunot ang Myanmar sa isinagawang draw para sa Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Championship sa Mayo sa Manila.

Nakatakda ang laro ganap na 7 ng gabi sa Mayo 12 sa Smart Araneta Coliseum.

Haharapin ng Indonesia ang Singapore sa unang laro ng triple-bill sked ganap na 3:00 ng hapon, kasunod ang duwelo sa pagitan ng Malaysia at Thailand sa week-long, seven-nation tournament na magsisilbing qualifier para sa Fiba Asia Cup sa Agosto sa Beirut, Lebanon.

Mapapalaban ang Gilas ni coach Chot Reyes sa ikalawang araw ng torneo kontra sa Singapore, bago ang laro kontra sa Malaysian sa Mayo 14.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Isang aras ang pahinga ng Gilas bago ang laro laban sa Thailand sa Mayo 16. Sunod na haharapin ng Pinoy ang Vietnamese bago ang pagtatapos ng liga kontra Indonesia.

Batay sa regulasyon ng SEABA,walang gaganaping championship match. Idedeklarang kampeon ang koponan na may pinakamatikas na karta. Ang Pilipinas ang defending champion.