Diana copy

MALIGAYANG kaarawan, Diana Ross!

Ipinagdiwang ng iconic Ain’t No Mountain High Enough singer ang kanyang ika-73 kaarawan kahapon.

Sumikat ang Detroit native bilang lead singer ng vocal group na The Supremes noong 60s, at naging Motown staples ang kanyang mga patok na awiting Where Did Our Love Go, You Can’t Hurry Love, Stop!, In the Name of Love, at Someday We’ll Be Together. Nang magkaroon ng 12 na No.1 hits kasama ang grupo, nag-solo si Ross noong 1969. Hindi lang siya nagkaroon ng matagumpay na career bilang solo singer kundi nakapagbigay din ng inspirasyon sa mga tao sa tulong ng kanyang musika, estilo, kagandahan, kabutihan, at activism work.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa kanyang buhaghag na buhok, makinang na mga gown, at bold eye makeup, naging malaking impluwensiya si Diana Ross sa maraming modernong makeup at style trend na makikita natin ngayon sa red carpet. Natuto ang kababaihan sa kanyang pagiging unapologetic sa pagiging totoo sa sarili at nagbigay inspirasyon sa henerasyon na sundan ang kanilang pangarap.

Kabilang sina Mariah Carey, Beyonce, Janet Jackson, Solange, Katy Perry, Jennifer Lopez, at marami pang ibang celebrity ang aminadong may impluwensiya ni Diana Ross ang kanilang artistry at activism. Noong Nobyembe 2016, pinarangalan siya ni Pangulong Barack Obama ng Presidential Medal of Freedom, ang pinakamataas na parangal ng bansa sa mga sibilyan na nagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa seguridad o kapakanan ng United States, sa world peace o kultura at iba pang mga makabuluhang gawain.

“Along with her honey voice and soulful sensibility, Diana exuded glamour and grace and filled stages that helped to shape the sound of Motown,” ani Obama nang iprisinta kay Diana ang kanyang medal. “Today, from the hip-hop that samples her, to the young singers who have been inspired by her, to the audiences that still cannot get enough of her, Diana Ross’s influence is as inescapable as ever.”

Mananatiling buhay ang legacy ng Queen of Motown magpakailanman, at patuloy na magbibigay ng inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon ang kanyang katapangan, estilo, at kontribusiyon sa sining, entertainment, at civil rights.

(Yahoo Celebrity)