Hinimok ng mga eksperto ang administrasyong Duterte na seryosohin ang mga batikos ng pandaigdigang komunidad sa paraan ng pagsupil sa ilegal na droga sa bansa.

“International views of the Philippines continue to worsen due to a constant drumbeat of violence,” sabi ni Geoffrey Hartman, fellow sa Southeast Asia program ng Center for Strategic and International Studies (CSIS) sa Washington, DC.

Kamakailan ay muling pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union (EU) sa pagmungkahi ng health-based solution sa drug war.

Naglabas din ang U.S. State Department and Human Rights Watch ng hiwalay na mga ulat na nagpapahayag ng pangamba sa mga extrajudicial killing (EJK).

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa inilathalang analysis, sinabi ni Hartman na ang gobyerno ng Pilipinas ay dapat na magpakita ng “real commitment to ending extrajudicial killings and waging its anti-drug campaign in a transparent and responsible fashion.”

Hinimok din ni Hartman si PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na tuparin ang pangako na sistematikong pagbabago sa pulisya kabilang ang istriktong pagpili sa mga pulis na kabilang sa anti-drug units.

“These changes, if effectively implemented, would be a step in the right direction and may prevent future abuses,” ani Hartman.

Aniya, ang kawalan ng detalye kung paano isasagawa ang “less bloody” drug war ay nagbibigay ng pagdududa na natutugunan nga ng administrasyong Duterte ang mga alalahaning ito.

Nagbabala naman si Murray Hiebert, CSIS deputy director for Southeast Asia, na maaaring magpasya ang U.S. Congress na harangin ang tulong militar kapag sumali ang militar sa EJK.

“Pressure to disassociate from the Philippines could even spread beyond security cooperation,” dagdag ni Hartman. (Tara Yap)