QUEENSLAND (AFP) – Isang “unprecedented” na 21 iba’t ibang tipo ng mga bakas ng dinosaur ang natagpuan sa dalampasigan ng Australia, sinabi ng mga scientist kahapon, at binansagan itong Jurassic Park ng bansa.

Ayon sa mga palaeontologist ng University of Queensland at James Cook University, ito ang pinaka-diverse sa ganitong uri tuklas sa buong mundo. Nahukay ang mga ito sa mga bato na tinatayang 140 milyong taon na sa rehiyon ng Kimberley sa Western Australia.

Sinabi ni Steve Salisbury, pangunahing may-akda ng artikulo kaugnay sa tuklas na inilathala sa Memoir of the Society of Vertebrate Paleontology, na ang mga bakas ay “globally unparalleled” o walang kapares sa buong mundo.

“It’s such a magical place -- Australia’s own Jurassic Park, in a spectacular wilderness setting,” aniya. “Among the tracks is the only confirmed evidence for stegosaurs in Australia. There are also some of the largest dinosaur tracks ever recorded.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'