BATANGAS - Laglag sa kamay ng mga awtoridad ang apat na katao, kabilang ang dalawang most wanted sa droga, makaraang maaresto sa buy-bust operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Batangas.
Ikapito sa top 10 drug personality sa Lemery si Christopher Eden, 24, sumuko sa Oplan Tokhang noong Agosto 2016, na naaresto nitong Sabado sa Barangay Sangalang, Lemery.
Ikawalo sa most wanted ng Balayan si Francisco Alipustain, 40, na nadakip sa Bgy. Sanpiro, samantalang sa Bgy. Poblacion 3 ng Laurel naman naaresto sina Giovanni Lingao, 50; at Alvin Escartin, 44, kapwa taga-Lipa City.
(Lyka Manalo)