TAYTAY, Rizal – Dekada na ang binilang, ngunit magpahanggang ngayon wala pang nakatatapat kay motocross legend Glenn Aguilar.

AGUILAR! Tila ibon kung lumipad.
AGUILAR! Tila ibon kung lumipad.
Muling nanginbabaw ang husay at diskarte ng tinaguriang GOAT (Greatest of All Time) motocross rider sa bansa, nang gapiin ang pambato ng Davao City na si Bornok Mangosong sa 2nd leg ng Diamond Motor Supercross series nitong Sabado sa MX Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal.

Sa kabila ng kakulangan sa oras ng pagtulog bunsod nang pagsagupa sa hiwalay na torneo, hindi kinakitaan ng panghihina ang 42-anyos rider ng KTM Racing kontra sa mga mas batang karibal, kabilang ang 25-anyos na si Mangoson sa 25-lap Pro Open class.

‘‘I’m very happy,’’ pahayag ni Aguilar, ang defending overall title sa torneo na nagtatampok sa pinakamahuhusay na rider sa bansa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

‘‘I need to improve my stamina,’’pag-aamin ni Mangosong, patungkol sa dikitang laban kay Aguilar sa five-leg series na inorganisa ng Xtreme Adrenaline Sports, sa pamumuno ni Sam Tamayo ng Generation Congregation.

Nakopo naman ni Pia Gabriel ang DC Shoes Ladies Class.

Gamit ang motor na hiniram sa nakatatandang kapatid na Ompong, ratsada ang pambato ng Nueva Ecija laban kina Quiana Reyes ng Sta. Maria Bulacan at Shana Tamayo.

Tulad ni Aguilar, nakamit ng 19-anyos Masscom student mula sa Wesleyan University sa Cabanatuan City, ang ikalawang sunod na leg title.

Ang torneo at suportado rin ng Dunlop Tires, Dickies, Tireshakk, Yamaha Motor Philippines, Go Pro Philippines, PTT Philippines Corporation, DC Shoes Philippines, Coffee Grounds at Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co.

Tatanggap ang overall champion sa Pro Open ng P50,000 habang may P20,000 ang second placer. Ang third placer ay may P10,000. Ang overall winner sa amateur class ay may P5,000.