Nawala ng Ateneo ang 6-run na kalamangan bago muling bumangon upang talunin ang University of Santo Tomas, 14-12,sa loob ng 12-inning na laro na inabot ng limang oras para tanghaling kampeon ng UAAP Season 79 baseball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nagtala si Ateneo catcher Gino Tantuico 2-run double upang basagin ang pagkakatabla ng iskor sa 11-all bago muling umiskor para tuluyang ibigay sa Blue Eagles ang tagumpay sa 12th inning.

Dahil sa naitalang 2-0 sweep ng serye,nabawi ng Blue Eagles ang titulo na nawala nila noong nakaraang season sa La Salle na pumutol sa kanilang 3-year reign.

Matapos magbigay ng tatlong sunod na hits, nakabawi si Ateneo pitcher Paulo Macasaet sa ilalim ng 12 inning upang tanghaling Finals MVP.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna rito, mistulang magiging madali ang panalo ng Ateneo makarang makalamang sa iskor na 9-3 sa 6th inning, bago nila hinayaang makaiskor ang Golden Sox ng anim na runs sa sumunod na dalawang innings na nagtabla sa laban.

“Aatakihin ako sa puso,” pahayag ni Ateneo coach Randy Dizer patungkol sa Game Two na nagimula ng 12:00 ng tanghali at natapos ng pasado 5:00 ng hapon.

“Kung titignan mo, they have a lot of men on base. So laging nagkakatalo nang nagkakatalo. Our break was when we held them with the bases loaded, I knew na this is our chance kasi papalo ‘yung top of the batting order,”dagdag ni Dizer.

(Marivic Awitan)