NAPANOOD namin sa Facebook Live habang tinatanong ng staff ng programa ang isa sa TV hosts nila tungkol sa ilang bagay na may kinalaman sa show. Nang mapansin ng nasabing staff pati mga kasama ang magandang damit at suot na sapatos ng isa pang host, biglang kumunot ang noo ng tinatanong na TV host (A) sabay tingin sa pinuring kasamahang TV host (B).

Maya-maya ay nagsabi na si TV Host A na masarap daw sa katawan at komportable siya sa suot niyang damit at sapatos, sabay ikot na parang nagmo-model.

Nagkatinginan na lang ang mga staff.

Napangiti lang si TV Host B pero kitang-kita na na-gets o naunawaan niya ang iniisip ng mga staff.

Tsika at Intriga

Ser Geybin sa na-bash na video: 'Aminado ako, biglaan ko 'yon inupload!'

Nakakatuwa talaga itong si TV Host A, papansin din. (REGGEE BONOAN)