Libre ngunit de-kalidad na pag-aaral sa kolehiyo.

Ito ang tinatarget ngayon para sa mga karapat-dapat na estudyante upang matiyak na sila’y makapagtatapos ng pag-aaral kahit sila’y mula sa mahirap na bansa.

Lumusot na kamakailan sa House Committee on Higher and Technical Education ang House Bill 2771 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017) ni Albay Rep. Joey Salceda na kinapapalooban din ng mga katulad na panukala nina Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, Davao City Rep. Carlo Alexei Nograles at ACT Party-list Rep. Antonio Tinio.

Layunin ng panukala na pondohan ng P38 bilyon ang SUCs.Maglalaan din ng P6.7 bilyon para sa technical vocational education and training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at P15B sa subsidiya para makapag-aral nang libre sa mga accredited na pribadong kolehiyo at unibersidad. (Beth Camia)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho