PIOLO AT SHAINA copy

BINIRO si Shaina Magdayao na adik kay Piolo Pascual dahil sa comment niyang “Sending you nippies now,” sa picture ng aktor na galing sa pagtakbo kaya pawisan at bakat ang nipples sa suot na basang t-shirt.

In fairness, hindi lang si Shaina ang nag-comment at nagayuma sa “wet picture” ni Piolo dahil marami ang nag-comment.

Ang iba pa nga, hindi naiwasang magpahayag na gusto nila ang aktor at may nagpaalam pa nga kung puwedeng hawakan ang basang katawan ni Piolo.

Lifehacks

Socmed personality sa mga bata: 'Adulthood is not fun'

Samantala, sinagot ni Piolo ang isyu na nakita silang nagdi-dinner ni Shaina sa isang Italian resto sa Marikina nang humarap siya presscon ng Northern Lights: A Journey To Love. Madalas daw silang mag-dinner ng dalaga at nai-broadcast lang dahil nagpa-picture ang waiter at chef ng resto, na-post sa social media at naging viral na.

Sa isang picture, kitang magka-holding hands silang dalawa at walang nakitang masama lalo’t exclusively dating na sila for a long time.

Anyway, sa March 29 (Miyerkules) na ang showing ng Northern Lights pero may special screening muna ito sa March 27.

Sa direction ni Dondon Santos, kasama sa cast sina Yen Santos, Raikko Matteo, Maricar Reyes, Joel Torre at Tirso Cruz III. (Nitz Miralles)