Mahigit 1,000 truck driver ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paglabag sa “uniform light trucks ban” sa EDSA at Shaw Boulevard anim na araw ang nakalipas makaraang ipatupad ito.

Simula noong Marso 20 hanggang nitong Biyernes, Marso 24, ay umabot na sa 1,234 na light truck driver ang nasampolan sa sa pagsuway sa nabanggit na traffic scheme na mahigpit na ipinaiiral sa EDSA at Shaw Boulevard, na sakop ng Mandaluyong at Pasig.

Nabatid na magmumulta ng P2,000 ang driver ng truck na 4,500 kilo pababa ang bigat na dadaan sa EDSA at Shaw ng 6:00-10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, Lunes hanggang Sabado. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Ser Geybin sa na-bash na video: 'Aminado ako, biglaan ko 'yon inupload!'