Patay ang isang lalaki matapos umanong tumalon mula sa ikaapat na palapag ng isang mall sa Cainta, Rizal habang sugatan naman ang isang dalagita nang aksidenteng mabagsakan ng una kamakalawa.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima na inilarawang nasa edad 30 hanggang 40, nakasuot ng asul na t-shirt, shorts, at tsinelas.

Samantala, nagtamo naman ng head trauma at pilay si Chantal de Villa, 16, na naglilibot sa mall nang aksidenteng mabagsakan ng lalaki.

Sa ulat ng Cainta Rescue, dakong 12:20 ng tanghali nangyari ang insidente sa isang mall sa Marcos Highway, kanto ng Felilx Avenue sa Cainta.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)