All systems go na ang Department of Labor and Employment-Overseas Workers Welfare Administration (DoLE-OWWA) Job-cum-Livelihood Fair sa Martes, Marso 28, para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.

Isasagawa ang job fair sa Occupational Safety and Health Center (OSHC) auditorium, sa panulukan ng North Avenue at Agham Road sa Diliman, Quezon City, simula 8:30 ng umaga.

May temang “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan”, ang DoLE-OWWA Job and Livelihood Fair ay nagkaroon ng tatlong araw na pre-registration activity nitong Marso 13, 14 at 15.

Target ng job at livelihood fair ang mga OFW sa Metro Manila, Region 4A at Region 3 na nawalan ng trabaho sa Saudi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaabisuhan ang mga nagparehistro online at offline na dalhin ang kanilang stub at ang resumé, certificate of training, diploma, transcript of records, certificate of employment, passport at 1”x1” o 2”x2” ID photos.

Kumpirmadong nasa 20 overseas recruitment agency ang lalahok at 15 local employment agency ang nagrehistro sa nasabing aktibidad. (Bella Gamotea)