MARIAN2 copy

ILANG araw na lang, bubuksan na ni Marian Rivera ang kanyang bagong business na Flora Vida by Marian. Nagsimula lang ito sa pag-drawing-drawing niya ng bulaklak dahil mahilig siya sa flowers, kung minsan isang flower lang, may ilang piraso naman sa canvass, pero ngayon totohanang flowers na ang kukutintingin niya.

Two days ago, ipinost ni Marian sa Instagram ang kanyang office na tinawag niyang “my official playground.” Kung oorder ka ng flowers at personal na pupunta sa kanyang store, tiyak na maienganyo ka dahil napakaganda ng kayang ‘playground’ na may iba’t ibang flowers nang naka-display. Pipili ang kustomer ng gagawing flower arrangement ni Marian, na siya ang personal na gagawa. Ang mga bulaklak na ito ay tatagal ng ilang buwan o taon, na hindi malalanta.

Tila hindi lang mga bulaklak dito sa atin ang gagamitin ni Marian sa kanyang flower arrangement, maaaring mag-order siya nito sa ibang bansa, depende raw sa gustong bilhin ng customers, lalo na ng friends niya na agad nag-like sa kanyang post.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang isa pang post na magkasama sila ni Dingdong Dantes noong nasa Japan sila, nilagyan niya ng caption na, “Thank you so much Mi Amor for enabling me to achieve my dreams.” Tungkol ito sa pagkuha niya ng short course on flower arrangement sa Kyoto, Japan, bago sila bumalik ng Pilipinas.

Matatandaan na last year pa kumuha si Dingdong ng business permit sa Department of Trade & Industry na ginawa niyang Christmas gift sa kanyang beautiful wife, nang malaman niyang isa sa bucket list ni Marian ang pagkakaroon ng flower shop. Siya rin ang nagbigay ng name na Flora Vida by Marian.

Kahapon, muling nag-post si Marian ng bagong picture na may isang flower sa vase na nasa ibabaw ng books tungkol sa mga bulaklak with a caption na, “It’s never too late to chase your dreams... @floravidabymarian #DoWhatYouLove.”

(NORA CALDERON)