GLADYS LANG_please crop copy

PITONG buwan na ang ipinagbubuntis ni Gladys Reyes pero tuluy-tuloy pa rin ang pagho-host niya ng Moments at walang palya ang pagpasok niya bilang isa sa board members ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Iilan na lang silang natitira sa mga orihinal na MTRCB board members, at hanggang ngayon ay wala pa rin daw naman silang natatanggap na “appointment papers” mula kay Pangulong Rody Duterte.

Kuwento ni Gladys, ang pagpasok niya sa MTRCB ay isa sa mga nakatutulong sa kanyang pagbubuntis. At least daw parang nag-eehersisyo siya na kailangang-kailangan ng tulad niyang nagdadalantao.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Kasama rin sa paghahanda ni Gladys para sa napapalit niyang panganganak ang pagpunta sa chiropractor na si Dr. Rob Walcher. Sinabi raw sa kanya ni Dr. Rob na safe ang pagsailalim sa chiropractic ng mga buntis at makakatulong daw ito sa panganganak niya.

Pati nga raw ang mga anak niya ay dinadala niya rin sa clinic ni Dr. Rob para sumailalim din sa chiropractic.

Samantala, ayaw magkomento ni Gladys tungkol sa kasamahang board member na si Mocha Uson na walang tigil sa pagsasalita laban kay Vice President Leni Robredo. (JIMI ESCALA)