TEAM MULARIN VS RAVENA copy

IN-ANNOUNCE ng GMA-7 na ipakikilala nila bukas ang buong cast ng Mulawin vs. Ravena pati ang roles at names ng karakter ng mga ito. Sa 24 Oras magaganap ang big reveal dahil may coverage ang storycon ng nagbabalik na hit na fantaserye ng network.

Kaya lang, may nag-leak na sa social media, binanggit na ang panglan ng ilan sa major cast. Hindi na makapaghintay ng Monday ang may gawa nito at sana lang, hindi mabawasan ang excitement ng audience.

Hindi naman pala ang Alwina karakter na unang ginampanan ni Angel Locsin ang gagampanan ni Bea Binena, kundi si Anya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

Si Derrick Monasterio ay hindi si Aguiluz kundi si Almiro. Si Kiko Estrada ay si Rafael. Si Bianca Umali ay si Lawiswis at si Miguel Tanfelix ay si Pagaspas pa rin, the same role na ginampanan niya sa unang Mulawin noong bata pa siya.

Si TJ Trindad ay si Greco at si Regine Velasquez ay si Sandawa. Nauna nang in-announce ng GMA-7 na si Dennnis Trillo ay si Gabriel, still the same role na ginampanan niya sa unang Mulawin.

Ang hintayin nating i-announce ay ang magiging role nina Carla Abellana, Heart Evangelista, Tom Rodriguez, Ariel Rivera, at ng iba pang cast. Isa ito sa show ng GMA-7 na may pinakamaraming cast at siguradong madadagdagan pa habang tumatakbo. (Nitz Miralles)