PANIQUI, Tarlac – Labingdalawang araw na naghirap ang isang 17-anyos na lalaki bago tuluyang binawian ng buhay sa Rayos-Valentin Hospital makaraan siyang pagtulungang bugbugin ng apat na katao sa Barangay Balaoang, Paniqui, Tarlac.
Sa ulat kahapon ni PO2 Joan Payad, kinilala niya ang biktimang si Reymark Hipolito, 17, ng Bgy. Balaoang, na kinuyog umano nina John Clinton Ordonio, Daren Dizon, kapwa nasa hustong gulang; at dalawang binatilyo, pawang taga-Bgy. Aduas, Paniqui, Tarlac.
Sinabi ng ama ng biktima na si Joel Hipolito, 46, na pinagtulungang bugbugin ng mga suspek ang kanyang anak habang bumibili ng sigarilyo. (Leandro Alborote)