CAMP GEN, PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Isang bangkang de-motor na patungong Cavite at kinalululanan ng 12 katao, kabilang ang apat na menor de edad, ang napaulat na nawawala makaraang umalis sa Mariveles, Bataan, limang araw na ang nakalilipas.

Ang mga nawawala, na kabilang sa tatlong pamilya mula sa Cavite, ay sakay sa asul at dilaw na M/Banca na may tatak na “Christian”, ayon sa Cavite Police Provincial Office (PPO) at Philippine Coast Guard (PCG).

Kinilala ng Cavite PPO ang 10 sa 12 nawawala na sina Michael Platetas Baybay Sr., 39; Michael Peji Baybay Jr., 13; Levi Platetas, 62; Edwin Platetas, 36; Angelito Silva, 50; Christian Silva, 14, pawang taga-Barangay Latoria, Naic; Ashley Digno Molina, 14, ng Bgy. Sabang, Naic; Ramon C. Del Rosario Sr., 60; Ramon del Rosario Jr., 34; at Zea del Rosario, 10, lahat ay taga-Bgy. Poblacion, Amadeo, Cavite.

Naglunsad na ng search operation ang PCG.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Dumalo ang tatlong pamilya sa isang pistahan sa Bgy. Alas-asin sa Mariveles nitong Marso 19, at umalis doon bandang 2:00 ng hapon kinabukasan, Marso 20. (Anthony Giron)