NATUWA nang sagutin o patulan ni Angel Locsin ang isa niyang basher na puro paninira sa posts sa Instagram (IG) niya ang ginagawa. Sabihin ba naman nitong walang dating ang ibang post niya, lagyan daw ng art at hindi lang puro thank you at congratulations ang caption dahil walang impact.
Payo pa ng basher, lagyan ni Angel ng sigla ang IG niya at ‘wag basta mag-post nang mag-post kung hindi naman maayos at masabi lang na may bago siyang post.
Sagot ni Angel sa basher niya, “’Yung comment mo ang masabi lang. ‘Yung profile pic mo masabi lang rin. Walang art.
Mali angle at lighting.”
Sinundan niya ito ng, “May sigla na ba ‘tong pagsagot ko sa comment mong masabi lang? O pasiglahin ko pa sa standards n’yo po, sir?”
Ayaw tumigil ng basher at paulit-ulit ang sabing walang impact ang photos at caption ng pictures at ipino-post ni Angel, kaya nagtanong ang aktres ng, “May pinagdadaanan ka ba? Share mo lang kung gusto mo?”
Panalo ang hirit ni Angel na “Lakompake” sa basher at “Sige, palit ko ‘yung profile pic mo, ang ganda, eh! Artsy.”
Pinakapanalo ang comment ni Angel na, “Hindi ko naman ginawa IG ko para sa ‘yo. Sarado na ang barangay dami mong reklamo. Relax ka lang, ‘di mo ako staff.” (NITZ MIRALLES)