Pinaalalahanan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga mananampalataya na taos-pusong magsisi at magbalik-loob sa Panginoon ngayong Kuwaresma.

Sa kanyang Lenten message, sinabi ni Villegas na ang pagsisisi at pagbabalik-loob ay magkaugnay.

“Everybody touched by God is changed. The start of change is repentance. When repentance is sustained, it leads to new life,” paliwanag ng arsobispo.

Inihalimbawa pa niya ang kuwento ng aniya’y mga self-confessed killer na sina alyas “Edgar” at alyas “Art” na nangumpisal at humingi ng habag at kapatawaran.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Aniya, ang buhay nina Edgar at Art ay kahalintulad ng buhay nina Edgar Matobato at retired SPO3 Arthur Lascañas, umaming kapwa hitman ng Davao Death Squad. (Mary Ann Santiago)