psc copy

HINAMON ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga Local Government Units (LGUs) na paigtingin ang programa sa sports upang makatuklas ng mga bagong bayani na susnod na yak nina dating Asian Sprint Queen Lydia de Vega-Mercado at swimming great Eric Buhain.

Ito ang ipinarating nina PSC Commissioners Arnold Agustina at Celia Kiram na nanguna sa ‘Sports Caravan’ sa Naga City at ilang lalawigan sa Bicol kamakailan.

“Find the next Lydia de Vega, Eric Buhain, Mona Solaiman¬ and sports champions who all made our country proud,’’ pahayag ni Kiram.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Inesplika ni Kiram na dapat magtutuluy-tuloy ang programa kapag nagkaroon na ang mga opis¬yal nito at matapos man ang bawat termino ng mga umuupo sa LGU na gobernador at alkalde sa mga lalawigan, lungsod at bayan.

Sinabi naman ni Agustin na magagamit ng mga LGU ang programa na isinusulong ng Philippine Sports Institute (PSI) para maging epektibo ang paghahanap sa susunod na bayani ng bansa sa sports.

Kaakibat din nito ang binuhay na Executive Order 63 at 64 ni dating President Fidel Ramos na nagtutulak sa National Physical Fitness and Sports Development Council.

Ayon kay Sports Caravan project director at PSC chief of staff Ronnel Abrenica, ang NPFSDC ang humihikayat sa lahat LGUs na bumalangkas ng sports programs at ihanay sa grassroots development program upang makaprodyus ng maraming talento sa national team.