Laro ngayon

(Mindanao Sports

and Civic Center )

Tubod, Lanao del Norte)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

5 n.h. -- Globalport vs Star

Isang naghahangad ng unang tagumpay at isang target ang back-to-back na panalo ang nakatakdang magtapat ngayong hapon sa gagawing pagdayo ng PBA sa Mindanao.

Mapapanood ang kapana-panabik na laro ganap na 5:00 ng hapon kung saan magtutuos ang Globaport at Star Hotshots sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Commissioners Cup sa Mindanao Sports and Civic Center sa Tubod, Lanao del Notre.

Magtatangka ang Batang Pier na makabawi sa 79-107 na pagkabigo nila sa kamay ng Alaska habang hangad namang dugtungan ng Hotshots ang naiposteng 101-82 panalo kontra Phoenix sa unang sabak sa conference.

Umaasa si Star coach Chito Victolero na mapapanatili ng Star ang ipinakitang aggressiveness ng kanyang mga players sa laban nila kontra Fuel Masters partikular ang import na si Tony Mitchell na tila naging inspirasyon para lalong ganahan ang kanyang mga locals.

“I just hope that we can keep this kind of aggressiveness when we face Globalport on Saturday,, “pahayag ni Star coach Chito Victolero.

Magsisikap namang bumawi and Batang Pier sa pangunguna ng import na si Sean Williams.

Sa pagkakataong ito, inaasahang makakalaro na para sa Globalport si Terrence Romeo na lubhang naramdaman ang pagkawala sa nakaraang laro nila ng Aces. (Marivic Awitan)