Gagawing prayoridad ng House of Representatives ang hinihinging kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte para magtalaga ng mga opisyal ng barangay, inihayag ni Speaker Pantaleon Alvarez kahapon.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Alvarez na unang tatalakayin ng mga kongrersista ang panukalang batas sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Mayo 2.

“Well, wala akong problema diyan at suportado ko ang ating Pangulo diyan dahil napaka-valid po noong reason. Dahil tama yun, majority of the barangay officials are involved in illegal drugs,” paliwanag ni Alvarez.

Ipinasa ng Kongreso ang batas na nagpapaliban sa paghahalal ng mga opisyal ng 42,000 barangay noong nakaraang taon at mga opisyal ng Sangguniang Kabataan. Sa ilalim ng Republic Act 10923, gaganapin ang halalan sa barangay at SK sa Oktubre 23, 2017. (Ben R. Rosario)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists