boat copy

NAKAMIT ng Philippine Navy ang kampeonato sa men’s open, mixed standard at women’s small boat divisions sa katatapos na Manila Bay Seasports Festival nitong nakalipas na weekend sa Manila Baywalk sa Roxas Boulevard, Manila.

Ang mga batikang bangkero mula sa Agoo, la Union naman ang nag-uwi ng pangunahing puwesto sa bancathon. Humarurot ng husto si Mark Kim Bantilan lulan ng ‘Patricia’ upang mapagwagihan ang Formula Race, samantalang buong husay ang arangkada ni Ruben Quero bilang piloto ng ‘Angilyn’ para pagtagumpayan ang Stock race.

Ang 2017 Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, EyeBerry, Executive Optical at My Juiz.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit able to read and write qualification ng mga kandidato sa Pilipinas?