LOPEZ, Quezon – Kusang sumuko ang isang selosang ginang matapos niyang mapatay sa taga ang kanyang mister nang maaktuhan niya ito sa loob ng bahay ng ibang babae sa Sitio Arangan sa Barangay Del Rosario, Lopez, Quezon.
Kasama ni Justina O. Boneo, 39, ang kanyang mga kaanak nang sumuko siya sa pulisya para aminin ang pagpatay sa kanyang asawa bandang 11:30 ng gabi nitong Marso 22.
Ayon sa mga report, naaktuhan ng ginang ang kanyang asawa habang kasama ang isang kinilala sa pangalang Jessa sa loob ng bahay ng huli maghahatinggabi nitong Marso 20.
Batay sa ulat, naiulat na ang nasabing insidente sa Lupon ng Tagapamayapa hanggang sa mangyayari ang krimen at matagpuan ang biktima na tadtad ng taga sa likod, ulo, batok at balikat. (Danny Estacio)