SA pamamagitan ng canvass, isinulong ng Tausug painter na si Rameer Amilasan Tawasil ang kapayapaan. Ito ay isang drawing inspiration mula sa madilim niyang pagkabata na dinungisan ng patayan at labanan ng Moro rebellion.

Sa kanyang mga obra, ginagamitan ito ni Tawasil ng malalim na pag-iisip upang maipalaganap ang kasunduan sa Mindanao.

“I was once asked why I always paint peace-related themes since Zamboanga City is fairly peaceful. I tried to explain to them that it is like living inside a peaceful house and yet the surrounding neighborhood is always in trouble. One way or another, it will affect the over-all peace condition,” pahayag ni Tawasil sa Philippines News Agency (PNA).

“It is our responsibility to do our share to create a peaceful environment,”dagdag ni Tawasil.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Tubong Sulu, unti-unting nagkamuwang si Tawasil sa kasagsagan ng rebelyon noong panahon ng martial law. Sa edad na anim, siya, kasama ang kanyang pamilya, ay lumipat sa Zamboanga City dahil sa kaliwa’t kanang pambobomba sa Jolo noong 1974.

“It was a painful experience,” pagbabalik-tanaw niya.

Gayunman, hindi rito natatapos ang lahat. Nang bumalik sila sa Jolo nang matapos na ang martial law, muling sumiklab ang bakbakan. Sa puntong ito, ang madugong iringan naman sa larangan ng pulitika.

“Those traumatic experiences led me to passionately work towards a peaceful Mindanao,” diin ni Tawasil.

Lumaking ganito ang karanasan, nakahanap ng kapanatagan si Tawasil sa pagguhit at pagpinta.

Hindi nagtagal ay napansin ng kanyang mga guro sa Zamboanga City at sa Jolo ang kanyang talent Simula noon, minaster ni Tawasil ang “ukkil” brush strokes.

“I learned a lot from my grandmother on my maternal side. I learned to appreciate Tausug art when I helped her make some patterns for her embroidery designs for ‘patajung,’” ayon kay Tawasil.

Ang Patajung ay isang piraso ng tela na ginagamit ng mga babaeng Tausug women sa Sulu bilang additional ornament.

Mas lalong nahasa ang kanyang talent sa pamamagitan ng mga obra ng yumaong si Abdulmari Imao, ang unang Moro National Artist for Sculpture noong 2006.

Nadiskubre ni Tawasil ang mga obra ni Imao noong siya ay high school pa sa Hadji Butu School of Arts and Trade, kung saan sila parehong nagtapos.

“During my high school days, I was impressed by the mastery of Imao. His sculptures are being displayed in offices inside the campus. I got curious. One day, when I went home from school, I gathered some mud along the road. I experiment and throw some designs,” pagbabalik-tanaw ni Tawasil.

Ilang taon ang lumipas, tuluyang nagkita sina Tawasil at Imao sa isang exhibit sa Maynila noong 1996. Hinikayat ni Imao si Tawasil na mas palalimin pa niya ang kanyang talento sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kultura ng mga Moros sa Sulu.

“There is a need to let people outside of Sulu and Mindanao to appreciate our native art. In this way, people will learn about our culture and spread common understanding in this highly-diverse country,” sambit ni Tawasil.

(Philippines News Agency)