HINDI na pipitsugin ang haharapin ng Gilas Pilipinas 5.0 kung kaya’y inihahanda ni coach Chot Reyes ang solid na line-up na pinagsama ng beterano at ilang cadet member para isabak sa Southeast Asia Basketball Association (SEABA) men’s championship na nakatakda sa Mayo sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa natanggap na ‘scouting report’ ni Reyes, isasabak ng mga karibal ang pinakamalakas na komposisyon sa SEABA, tulad ng Thailand na napabalitang ikakasa ang ilang foreign-bred player para sumabak sa Gilas sa Mayo 12-18 tourney.

Ang SEABA ang magsisilbing qualifying meet para sa Fiba Asia Cup sa Agosto.

Batay sa format, tanging gold medalist sa SEABA ang kwalipikado sa Asia Cup na gaganapin sa Beirut, Lebanon sa Agosto 10-21.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Yeah, most probably. Kailangan natin ang solid line-up,” sambit ni Reyes.

Target ng Thais, mahigpit na karibal ng Pinoy sa SEAG, na maagaw ang paghahari sa rehiyon at kinuha ang erbisyo ni Thai-American Tyler Lamb para sa Seaba tournament.

Ang 26-anyos na si Lamb ay nakapaglaro sa Asean Basketball League (ABL).

Kasama rin sa Thailand si Thai-American Moses Morgan.

“We’ve scouted them already. Nakailang scouting trip na sila Jong (Uichico) and Jimmy (Alapag) and coach Josh (Reyes), so basically we know exactly what we’re doing,” pahayag ni Reyes.

Nitong Miyerkoles, inaprubahan ng PBA board of governors ang pagbigay sa 15 player na kabilang sa 25-man Gilas training pool para sa Seaba tournament.

“Our concern is always getting fully prepared, kasi as you know ongoing ang PBA season so hopefully we can get more time with the team to train as a team on a full-time basis,” aniya.

Puspusan na ang pagsasanay na Gilas na kinabibilangan nina Mac Belo, Matthew Wright, Kevin Ferrer, Ed Daquioag, Roger Pogoy, Arnold Van Opstal, Mike Tolomia, Von Pesumal, Alfonso Gotladera, Carl Bryan Cruz, Jio Jalalon, at Russel Escoto.

Kasama naman sa 12-man veteran sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Jayson Castro, Calvin Abueva, Terrence Romeo, Raymund Almazan, LA Revilla, Norbert Torres, Allein Maliksi, Troy Rosario, Bradwyn Guinto, at Almond Vosotros.