EULA copy

GUSTONG klaruhin ng kampo ni Eula Valdez na tapos na ang papel niya sa Encantadia at wala siyang network contract kaya malaya siyang nakalipat sa ABS-CBN para sa bagong teleseryeng Kung Kailangan Mo Ako na nagkaroon na ng pictorial para sa March 30 trade event.

Bina-bash ngayon si Eula ng mga taga-GMA dahil kasama raw siya sa Encantadia ‘tapos nakikita siya sa ABS-CBN at nasabihan pang bumalimbing daw.

Obviously, malaking kawalan si Eula sa nasabing programa kaya umalma ang Kapuso camp. Dahil kung hindi naman ay dedma lang siyempre siguro o keber nila kung lumipat man siya.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Samantala, buong puso namang winelcome si Eula ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment kamakailan. (Reggee Bonoan)