Hiniling ni Interior and Local Government secretary Ismael Sueno sa mga local government unit (LGU) na palaganapin at gawing kaugalian ang mahalagang aksiyon sa climate change higit sa isasagawang pag-obserba ng “Earth Hour’’ mula 8:30 hanggang 9:30 ngayong gabi.

“Your personal pledge to go “Beyond the Hour” at tumulong sa “Shine a Light on Climate Action,” can create ripples of good effect that will make our beloved planet Earth a much better place for our children and our children’s children,” ani Sueno.

Ang Earth Hour 2017 ay isang pandaigdigang kampanya kung kailan ang mga tao sa buong mundo ay sabay-sabay na nagpapatay ng kanilang mga ilaw sa loob ng isang oras upang ipaabot ang mensahe na magkaroon ng tiyak na aksiyon para malabanan ang climate change.

Sa memorandum circular, inatasan ni Sueno ang lahat ng provincial governors, city/municipal mayor, barangay chairman, DILG secretary ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at DILG Regional/ Provincial Directors na ikampanya at palawakin ang partisipasyon ng publiko sa Earth Hour 2017.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagbigay din siya ng suhestyon kung paanong suportahan ang inaasintang “going beyond the hour.”

Kabilang sa mga ito ang isang oras na pagpatay sa hindi mahahalagang ilaw sa pandaigdigang “lights out”; pagsusulong ng Earth Hour 2017 sa mga opisyal, empleyado at mga kababayan; pagdokumento ng Earth Hour at pagpapadala nito sa World Wide Fund for Nature (WWF) sa pamamagitan ng email sa [email protected] o sa [email protected].

Ang compilation ng mga litratong isinumite sa WWF ay ilalagay sa kanilang official Facebook page sa www.facebook.com/wwf.philippines upang ipakita ang pagsisikap ng bawat isa sa pagdiriwang ng Earth Hour 2017 sa buong mundo.

Mag-log-in at magrehistro ng suporta sa Earth Hour Philippines website sa http://www.wwf.org.ph/earthhour/.

(CHITO A. CHAVEZ)