MEXICO CITY (AP) — Nasagip ng mga awtoridad ng Mexico ang 14 na buwaya at nagtagpuang patay ang 20 iba pa sa isang pamayanan kung saan lumalabas na kinukuhaan ng dugo ng mga tao ang mga nasabing hayop.

Sinabi ng opisina ng environmental protection nitong Huwebes na naniniwala ang ilang residente sa Chiapas na ang dugo ng buwaya ay nakagagamot ng cancer, diabetes, AIDS at iba pang sakit. Nilinaw ng mga scientist na walang ebidensiya na ang dugo ng buwaya ay gamot sa mga naturang sakit.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'