cafe france copy

Mga laro sa Martes

(Ynares Sports Arena)

Game 3 of Best-of-Three Semifinals

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

3 n.h. -- Café France vs Racal

5 n.h. -- Cignal vs Tanduay

ARANGKADA ang Café France, sa pangunguna ni Aaron Jeruta sa krusyal na sandali, para maitakas ang come-from-behind 86-75 panalo kontra sa Racal sa Game Two Game 2 ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals nitong Huwebes ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Hataw si Jeruta sa naiskor na 18 puntos, tampok ang 10 sa payoff period para sandigan ang 16-4 run ng Bakers para makumpleto ang matikas na pagbangon at maipuwersa ang do-or-die sa kanilang best-of-three semifinal series.

Nakatakda ang sudden death sa Martes, ganap na 3:00 ng hapon.

“I guess it’s Aaron. Aaron Jeruta stepped up. He’s the only veteran in the team and this was his breakthrough game,” sambit ni Bakers Coach Egay Macaraya.

Naghabol ang Café France sa 14 na puntos, 57-43, sa kaagahan ng third period.

Ngunit hindi bumigay ang Bakers, tampok ang matikas na 25 puntos, 22 rebound at anim na shot block ng Congolese big man na si Rod Ebondo para maitabla ang serye sa 1-1.

Nanguna sa Racal si Rey Nambatac sa naiskor na 14 puntos, siyam na rebound at anim na assist, habang kumubra sina Jackson Corpuz at Allan Mangahas ng tig-12 puntos.

Nauna rito, nagawa ring mahila ng Cignal-San Beda ang sariling semifinal playoff kontra Tanduay Rhumasters sa do-or-die nang maitarak ang 89-86 panalo.

Nagsalansan sina Jason Perkins at Pamboy Raymundo ng krusyal na baskets para sandigan ang Red Lions sa winner-take-all Game Three.

Naisalpak ni Perkins ang dalawang go-ahead three-pointer sa huling 2:42, habang naisalpak ni Raymundo ang floater sa huling 25.4 segundo para bigyang buhay ang kampanya sa kampeonato.

“Buhay pa kami. At least, we got another day to live,” pahayag ni coach Boyet Fernandez.

“It sounds cliché, but the boys really stepped up today. Jason didn’t want to go home, Pamboy didn’t want to go home, everybody doesn’t want to go home and this win is for them.”

Nanguna si Perkins sa Cignal sa nakopong 15 puntos, limang rebound at dalawang assist, habang tumipa si Raymundo ng 11 puntos, apat na rebound at apat na assist.

Nanguna sa Tanduay si Jaymo Eguilos na may 18 puntos at anim na rebound, habang nag-ambag si Lester Alvarez ng 15 puntos, tampok ang 3-of-5 shooting sa long distance area.

Iskor:

(Unang Laro)

CIGNAL 89 - Perkins 15, Adamos 13, Bolick 13, Potts 12, Raymundo 11, Bringas 8, Arboleda 5, Mocon 5, Arong 4, Villarias 3, Batino 0, Oftana 0.

TANDUAY 86 - Eguilos 18, Alvarez 15, Sanga 11, Quinto 9, Cruz 8, Gaco 8, Santos 6, Palma 5, Varilla 3, Vigil 3.

Quarters: 21-21, 45-38, 70-58, 89-86.

(Ikalawang Laro)

CAFE FRANCE 86 - Ebondo 25, Jeruta 18, Casino 9, Desiderio 8, Manlangit 8, Sedurifa 7, Calisaan 6, Faundo 5, Arim 0.

RACAL 75 - Nambatac 14, Corpuz 12, Mangahas 12, Torres 11, Cabrera 10, Salado 8, Flores 4, Onwubere 4, Capacio 0, Dagangon 0, Gabawan 0, Gabayni 0, Terso 0.

Quarters: 15-20, 33-43, 52-61, 86-75.