ROME (AP) – Hiniling ni Justice Minister Andrea Orlando sa mga opisyal na imbestigahan ang pagpapawalang-sala ng korte sa isang lalaking nanggahasa dahil hindi sumigaw ang babaeng biktima.

Iniulat ng Italian news agency na ANSA nitong Huwebes na nagdesisyon ang isang korte sa Turin noong nakaraang buwan na napakahinang reaksiyon ang pagsabing “Enough!” ng isang babae sa kanyang kasamahan na diumano’y nanggahasa sa kanya upang patunayan na siya nga ay pinagsamantalahan nito. Idiniin sa desisyon na hindi siya sumigaw o humingi ng tulong.

Kinondena ng mambabatas na si Annagrazia Calabria ang hatol, iginiit na “Certainly, you cannot punish the personal reaction of a woman terrified by what is happening to her.’’

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'