LINGAYEN, Pangasinan - Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang Dean ng Criminology ng Pangasinan State University-Binmaley habang nagmamaneho ng kotse sa Avenida-Rizal Street East, Barangay Poblacion, Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay Lingayen Police chief, Supt. Jackson Sequin, binaril sa balikat, dibdib at panga si Rommel J. Cruz, 43, may asawa, Dean of Criminology ng nabanggit na unibersidad at taga-Bgy. Poblacion. Sa pagsisiyasat ng Lingayen Police, dakong 7:45 ng umaga nitong Miyerkules at patungong unibersidad si Cruz sakay sa kanyang Toyota Vios (XNS-303) nang lapitan siya at pagbabarilin ng mga armado. Sinasabing love triangle ang motibo sa pamamaril, pero iniimbestigahan pa ito ng pulisya. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!