Ibinalik ni United Nations Special Rapporteur for Extrajudicial Killings Agnes Callamard kay Tourism Secretary Wanda Corazon Teo ang panawagan nito na maghinay-hinay ang media sa pag-uulat tungkol sa extrajudicial killings sa bansa dahil naaapektuhan ang industriya ng turismo.

Ayon kay Callamard, masugid na kritiko ng giyera kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte, sa halip na himukin ang media na bawasan ang pagbabalita sa extrajudicial killings, dapat manawagan si Secretary Teo sa gobyerno at sa pulisya na itigil na ang sadyang pagpatay sa mga suspek sa ilegal na droga.

“Tourism Chief asks Media to tone down #EJK report!” tweet ni Callamard kahapon. “She should ask Gov & Police to #StopEJK.” (Roy C. Mabasa)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal