SARI-SARING reaksiyon ang nakuha namin sa pagsali-sali ni Vivian Velez sa iilan lang namang nag-rally para manawagan ng pagbibitiw daw ni Vice President Leni Robredo.
Sa totoo lang, andami-daming natsi-cheap-an at pinagtatawanan si Vivan dahil sasampu lang yata silang nagsisigaw sa rally nila laban sa Bise Presidente. Sabi pa, epic fail daw ang demonstrasyon na sinalihan ng dating sexy star.
Kung sabagay, dahil hindi pa nga sila umabot ng 20 ay ni hindi sila pinag-ukulan ng pansin ng media. Ni wala halos nag-cover sa kanilang rally, huh!
Sa millennials namang nagtatanong kung sino si Vivian Velez, siya ang ang sinasabing Ms. Body Beautiful noon na naging asawa ng basketbolistang si Paul Alvarez.
Pagdating naman sa showbiz ay hindi masyadong nagmarka ang kontribusyon ni Vivian maliban sa isang pelikulang natatandaan namin na kahit papaano ay umani ng papuri, ang Pieta.
Sey pa nga sa amin ng isang mambabatas na naging kasamahan din naman noon ni Vivian sa showbiz, nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ang partisipasyon ng dating sexy star sa panawagang magbitiw ang pangalawang pangulo.
Napag-alaman din ng kausap naming congresswoman na isa raw sa namuno o nag-organisa ng naturang rally si Vivian. Kung sinu-sino raw ang pinadalhan ng mensahe ni Vivian para samahan sila sa gagawing demonstrasyon sa harapan ng opisina ni VP Leni.
Napatawang banggit pa ng source namin, hindi naman daw na-zero si Vivian sa mga tinatawagan, meron namang sampung tumugon.
Ang lima namang kabataang dumating ay mukhang nalilito at nagtatanong pa raw kung bakit sila nandoon.
Ayon sa aming kausap ay isinusulong din ni Vivian ang dalawang milyong lagda para sa hinihinging revolutionary powers ni Presidente Duterte.
Natatawa naman kay Vivian ang isang aktres na nakausap namin. Binanggit daw sa kanya ng kasamahang taga-showbiz din na kaya nag-organize ng rally si Vivian ay dahil sa udyok ng kaibigan nitong si Mocha Uson.
May hinihingi raw kasing pabor si Vivian sa Duterte government at isa raw iyon sa paraan para mapansin ang dating Ms. Body Beatiful ng administrasyon.
So, true kaya na kagaya ni Mocha ay nais din ni Vivian na maging board member ng MTRCB? (Jimi Escala)