Nasa 925 buntis at mga sanggol ang patuloy na naaayudahan ng programang Q1K o Quezon’s First 1000 Days of Life sa buong probinsiya ng Quezon.

Sa tatlong araw na Q1K Summit sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay City, pinirmahan nina Gov. David Suarez, Department of Health (DoH) Undersecretary Achilles Gerard Bravo, at kinatawan ng PhilHealth ang memorandum of agreement (MOA) na nagpapalawig sa naturang programa at nagdadagdag sa ayuda sa mga benepisyaryo nito.

Layunin ng Q1K na mabawasan ang bilang ng mga namamatay na ina at sanggol sanhi ng hindi ligtas na pagbubuntis at panganganak, mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay, magdulot ng positibong pagbabago sa mga magulang at komunidad sa wastong health education at seminars, at tiyaking natutugunan ang pangangailangan ng mga buntis. (Bella Gamotea)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!